"If You Do What You Always Do
You Will Get What You Always Get"
Aminin natin sa ating sarili na gusto natin ng pagbabago sa buhay:
- Bagong damit,
- Bagong trabaho,
- Bagong kagamitan,
- Bagong bahay at kotse,
- Pagbabago sa ugali,
- Pagbabago sa paniniwala,
- Pagbabago sa pananaw sa buhay,
- Pagbabago sa sarili, atbp.
Kahit ano pa itong gusto nating mabago sa ating buhay, materyal man o pinansyal o sa ating sarili, kailangan nating kumilos para mabago ito.
Dahil kung mananatili ka sa naka-gawian mong style sa buhay, hinding-hindi mo makakamit ang gusto mong pagbabago. Mananatili kang nakapako sa kinatatayuan mo ngayon, kahit nasa isip mong gusto mo ng magbago pero wala ka naman ginagawa.
Ang pagbabago ay magsisimula sa iyong sarili, hindi gagawin ng ibang tao para sa'yo. Kaya ang tanong ko sa'yo, Kailan ka magbabago?
- Mang Omboy -
PS: Nais kong marinig ang iyong opinyon tungkol dito, leave your comment below. Thanks.

No comments:
Post a Comment