Sa Bawat Pagsubok o Problema
May Mga Nakahandang
Solusyon Para Dito
Kaya Magpakatatag ka,
"Manalig Sa Diyos"
At Huwag Mawalan Ng Pag-asa
Umayos Ka At Huwag Mag-Inarte Na
Parang Katapusan Mo Na!
Kadalasan ay puro pagsubok ang ating hinaharap sa buhay. Na madalas ay nararating natin ang pinakasukdulan ng ating pasensya, na parang wala ng solusyon para sa ating problema.
Tandaan mo na sa bawat problema ay may solusyon, kailangan mo lang hanapin ito at isiping mabuti kung ano ang nararapat para dito. Dahil kung padalos-dalos ka sa iyong desisyon, maaring mali ang maging solusyon sa iyong problema. Imbes na sa ikabubuti ang resulta, ay baka ikaka-pahamak mo pa ito.
Kaya bago ka gumawa ng hakbang para solusyonan ito, magdasal ka at humingi ng gabay sa Diyos, ayusin mo ang iyong sarili, at saka mo simulang isipin ang tamang solusyon sa iyong problema.
- Mang Omboy -
PS: Don't forget to leave a comment below kung ano masasabi mo sa article na ito. Thanks in advance.
PS: Don't forget to leave a comment below kung ano masasabi mo sa article na ito. Thanks in advance.

No comments:
Post a Comment