Sunday, 19 April 2015

MO-011

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success



Karamihan sa atin ay nakakapag-isip lamang na gumawa ng paraan para umasenso kung kailan ito ay huli na.

Minsan ang pagkakataon para umasenso ay nasa iyong mga kamay na, ngunit ito ay binabalewala at hindi mo binibigyang pansin. At kapag dumating ang panahon na kailangan mo na, saka ka lang manghihinayang dahil ito ay lumagpas na.

Bakit hindi mo simulan habang ikaw ay bata pa?
Bakit hindi mo simulan habang ikaw ay malakas pa?
Kung mabigyan ka ng magandang pagkakataon, bakit hindi mo pag-aralan at subukan?

Dahil kung takot kang sumubok, takot ka ring umasenso.

Tandaan, ang oras mo ay nauubos din, at minsan lang talagang dumadating ang magandang pagkakataon.

Kaya isip-isip ka din at bigyan mo ng Time ang iyong pag-asenso.

- Mang Omboy -

Monday, 6 April 2015

MO-010

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


     Karamihan sa mga Pilipino ay may maling pananaw pagdating sa yaman ng isang tao. Madalas itong binibigyan ng maling imahe, kapag mayaman o yumaman ang isang tao, sasabihin ng iba na nagbago na ang ugali, mayabang, mapag-mataas, maramot, hindi marunong makisama, at kung ano-ano pa. 
     
     Gaya ng sabi nila, "Mas importante ang kabutihan ng loob kaysa sa pera. Dahil ang pera hindi mo madadala kapag pumanaw ka na. Pero ang kabutihan mo ay mananatili sa Puso ng mga kakilala mo."

     Tama naman ang pananaw na ito, mas importante ang kabutihan ng loob. Pero hindi dapat ito ang magdiin na ang pera ay hindi importante. 
     Pareho silang mahalaga sa panahon ngayon. Kailangan mo ng pera sa halos lahat ng kailangan mo upang ikaw ay mabuhay. Hindi ko sinasabing maging materyalistic tayo, pero dapat nangingibabaw pa rin ang Kabutihan ng loob.

      Gaya nga ng sabi ko, "Napakahalaga na may mabuti kang kalooban, kaya dapat mong isipin na sa iyong pagpanaw ay may maiwan ka ring yaman para sa iyong pamilya, na ikaw ay namatay na nagtagumpay sa buhay kaysa sa kahirapan ang ipapa-mana mo sa iyong mga iniwan."

     Totoo na hindi mo madadala ang yaman mo kapag ikaw ay pumanaw na... dahil ito ay iyong ipapamana sa iyong pamilya. Mas magiging masaya ka sa iyong pagpanaw kung naka-ayos na ang kanilang kinabukasan. Mas magiging masaya ang iyong mga iniwan dahil nabigyan mo sila ng magandan kinabukasan.

     Totoo na mananatili ang kabutihan mo sa mga kakilala mo... pero di ba't mas marami kang posibleng matulungan kung ikaw ay may yaman? Dahil kung likas na mabuti ang kalooban mo at ikaw ay may taglay na yaman, mas marami kang mabibigyan ng "kabutihan."

- Mang Omboy -      


PS: Mag-comment ka sa baba kung ano ang iyong palagay tungkol dito.       

     

MO-009

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


Tinanong ko ito sa iba't ibang FB groups at sari-saring comments ang aking nakuha sa mga ito. Ang ilan sa mga sagot nila ay:

  • Kapag tapos na sa pag-aaral ang mga anak.
  • Kapag nabayaran na ang lahat ng mga utang.
  • Kapag hindi na kayang mag-work. Kasi kailangan mag-work para mabuhay.
  • Kapag patay na.

Tama lahat ng kanilang mga sagot, kailangan nating mag-trabaho o mangamuhan o maging empleyado para magkaroon ng income. 
Upang magkaroon ng pang-gastos sa bahay, sa pag-aaral, at sa mga pang araw-araw na pangangailangan natin.
Pagsisikapan natin na mapatapos ang mga anak sa pag-aaral.
At ang pinaka-malungkot sa mga sagot nila ay, "kapag patay na."

Ngunit ano nga ba talaga yung tanong ko? 
     Magtrabaho o Maghanapbuhay ?

Para sa akin, magkaiba ang dalawang salita na 'yan:
  • Magtrabaho - ay naka-sentro dito ang pagiging empleyado o mangangamuhan at kapalit nito ang sweldo na buwanan o kinsenas nating natatanggap. Fixed salary.

  • Maghanapbuhay - nasasakop din nito ang pagiging empleyado, ngunit may isa pang paraan para kumita. Ito ay ang pagkilos mo o paggawa ng paraan para magkaroon ka ng source of income na hindi mo na kailangan pang maging empleyado. Ito ay ang pag-nenegosyo. 


Maaaring ang iba sa inyo nagre-react ng ganito:
  • Negosyo? e paano kung walang puhunan? e di babalik ka din sa pagiging empleyado?
  • Pakikipag-sapalaran ang pag-nenegosyo. Nakakatakot baka malugi.
  • Kapag hindi ka marunong sa negosyo, e wag mo na ito papasukin.
  • Sa negosyo, kapag di ka kumayod, wala kang kita. Kapag di ka nagtinda, wala kang benta.



Tama naman kayo. Pero heto ang mga sagot ko:
  • Kung wala kang puhunan, ok lang na magtrabaho ka muna. Pero dapat pag-ipunan mo ang puhunan mo para sa naiisip mong negosyo.
  • Huwag matakot sa pag-nenegosyo. Matinding pagpa-plano at pag-aaral ang dapat mong gawin bago ka magsimula para maiwsan ang pagkalugi.
  • Totoo na kapag di ka kumayod ay wala ka rin kita. Kung wala kang ginagawa, wala ka ring resulta.

Paano kung sabihin ko sa inyo na may mga negosyo ngayon na pwede kang kumita ng malaki:
  • kahit maliit lang ang puhunan.
  • kahit ikaw ay natutulog.
  • kahit nasa bahay ka lang.

Oooops, teka, baka sabihin niyo... "networking na naman yan, MLM lang yan, pyramiding scam lang yan, investment kunwari, baka takbuhan lang tayo nyan..."

Hindi kita masisisi kung yan ang iisipin mo. 

Ang goal ko lang naman ay matulungan ka kung gusto mo ng mag-negosyo.

Kung pagod ka na sa pagiging empleyado.
Na papasok ka araw-araw sa maliit na sweldo.
Makikipag-siksikan sa Edsa, sa MRT at sa bus.
Pumapasok sa trabaho kahit bumabagyo.
Na mas mahaba pa ang oras mo sa trabaho kesa sa oras na kasama mo ang pamilya mo.
Paulit-ulit mo itong ginagawa hanggang sa tumanda ka na.
Gusto mo ba ang ganito buhay?

Puwes kung interesado ka sa Opportunity na ito, mag-comment ka lang sa baba.

So, kailan ka gagawa ng aksyon para mapabuti ang iyong buhay?

- Mang Omboy - 


Thursday, 2 April 2015

MO-008


Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success

"If You Do What You Always Do
You Will Get What You Always Get"


     Aminin natin sa ating sarili na gusto natin ng pagbabago sa buhay: 
  • Bagong damit,
  • Bagong trabaho,
  • Bagong kagamitan,
  • Bagong bahay at kotse,
  • Pagbabago sa ugali,
  • Pagbabago sa paniniwala,
  • Pagbabago sa pananaw sa buhay,
  • Pagbabago sa sarili, atbp.

     Kahit ano pa itong gusto nating mabago sa ating buhay, materyal man o pinansyal o sa ating sarili, kailangan nating kumilos para mabago ito. 
     
     Dahil kung mananatili ka sa naka-gawian mong style sa buhay, hinding-hindi mo makakamit ang gusto mong pagbabago. Mananatili kang nakapako sa kinatatayuan mo ngayon, kahit nasa isip mong gusto mo ng magbago pero wala ka naman ginagawa.

     Ang pagbabago ay magsisimula sa iyong sarili, hindi gagawin ng ibang tao para sa'yo. Kaya ang tanong ko sa'yo, Kailan ka magbabago?


- Mang Omboy - 

PS: Nais kong marinig ang iyong opinyon tungkol dito, leave your comment below. Thanks.

Wednesday, 1 April 2015

MO-007

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


Sa Bawat Pagsubok o Problema
May Mga Nakahandang
Solusyon Para Dito

Kaya Magpakatatag ka,
"Manalig Sa Diyos"
At Huwag Mawalan Ng Pag-asa

Umayos Ka At Huwag Mag-Inarte Na
Parang Katapusan Mo Na!


     Kadalasan ay puro pagsubok ang ating hinaharap sa buhay. Na madalas ay nararating natin ang pinakasukdulan ng ating pasensya, na parang wala ng solusyon para sa ating problema.

     Tandaan mo na sa bawat problema ay may solusyon, kailangan mo lang hanapin ito at isiping mabuti kung ano ang nararapat para dito. Dahil kung padalos-dalos ka sa iyong desisyon, maaring mali ang maging solusyon sa iyong problema. Imbes na sa ikabubuti ang resulta, ay baka ikaka-pahamak mo pa ito.

     Kaya bago ka gumawa ng hakbang para solusyonan ito, magdasal ka at humingi ng gabay sa Diyos, ayusin mo ang iyong sarili, at saka mo simulang isipin ang tamang solusyon sa iyong problema.

- Mang Omboy - 


PS: Don't forget to leave a comment below kung ano masasabi mo sa article na ito. Thanks in advance.

MO-006


Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success_E_di_wow


Kung Masaya Ka Ngayon

E Di ... Wow

Sunday, 22 March 2015

MO-005

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


     "Pagtuunan Mo Ng Pansin 
Ang Mga Bagay Na Hindi Mo 
Pa Nagagawa Sa Buhay Mo, 
Hindi Yung Buhay Ng Iba 
Ang Pinapansin Mo"



     Marami sa mga Pinoy ang mahilig sa tsismis, mahilig pakialaman ang buhay ng ibang tao, mahilig makibalita sa buhay ng may buhay, yun bang akala mo'y sinusubaybayan na teleserye. 

     Kapag may bagong gamit ang kapitbahay o kakilala, kung ano ano ng kwento ang maiisip kung paano sila nagkaroon ng ganon. Kapag may nakita sa Facebook status ng isang friend, u-usisain nila ito at pag-uusapan. 

     Pero ikaw, ang sarili mong buhay, nagawa mo na ba ang lahat para makuha mo ang gusto mo? Nakamit mo na ba ang mga pangarap mo? Naglaan ka ba ng oras para ikaw ay magtagumpay?

     O mas gusto mong nakikita ang ibang tao na sila ay nagtatagumpay at ikaw ay napag-iiwanan na? 

- Mang Omboy - 


PS: Mag-comment ka sa baba kung ano ang mas gusto mong gawin sa buhay mo.