Sunday, 22 March 2015

MO-005

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


     "Pagtuunan Mo Ng Pansin 
Ang Mga Bagay Na Hindi Mo 
Pa Nagagawa Sa Buhay Mo, 
Hindi Yung Buhay Ng Iba 
Ang Pinapansin Mo"



     Marami sa mga Pinoy ang mahilig sa tsismis, mahilig pakialaman ang buhay ng ibang tao, mahilig makibalita sa buhay ng may buhay, yun bang akala mo'y sinusubaybayan na teleserye. 

     Kapag may bagong gamit ang kapitbahay o kakilala, kung ano ano ng kwento ang maiisip kung paano sila nagkaroon ng ganon. Kapag may nakita sa Facebook status ng isang friend, u-usisain nila ito at pag-uusapan. 

     Pero ikaw, ang sarili mong buhay, nagawa mo na ba ang lahat para makuha mo ang gusto mo? Nakamit mo na ba ang mga pangarap mo? Naglaan ka ba ng oras para ikaw ay magtagumpay?

     O mas gusto mong nakikita ang ibang tao na sila ay nagtatagumpay at ikaw ay napag-iiwanan na? 

- Mang Omboy - 


PS: Mag-comment ka sa baba kung ano ang mas gusto mong gawin sa buhay mo. 




Tuesday, 17 March 2015

MO-004


Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


"Kung Gusto Mo Ng Sumuko...
Isipin Mo Na Lang Ang Dahilan 
Kung Bakit Mo Ito Sinimulan"


     Sa takbo ng ating buhay, madalas tayong nakakaranas ng mga kabiguan. Karamihan sa atin ay madaling mapanghinaan ng loob, na akala mo'y gumuho na ang mundo. At sa bandang huli, ay susuko na lamang sa hamon ng buhay.

     Ngunit sadyang ganyan ang buhay, minsan nadadapa, pero bumabangon pa rin tayo at magsisimula muli. Ganyan ang mga Pinoy, laging palaban at hindi basta basta susuko. 

     Kaya sa tuwing ikaw ay mabigo sa iyong misyon sa buhay, huwag kang susuko, isipin mo ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa at kung bakit mo ito sinimulan.


- Mang Omboy -

Monday, 16 March 2015

MO-003

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


"What You Think, You Create
What You Feel, You Attract
What You Imagine, You Become"


Ano ang ibig sabihin nito?

Ito ay hango sa "Law Of Attraction, The Secret Behind The Secret" na kung saan sinasabi dito na tayo rin mismo ang gumagawa sa ating kapalaran. Naka-depende dito kung paano tayo mag-isip, ano ang ating pakiramdam, at kung ano ang iyong mga pangarap.


What You Think, You Create
     Kung ano ang lagi mong iniisip, yan din ang iyong gagawin. Dahil ang katawan natin ay susunod lamang sa kung ano man ang maisip mong gawin. 
     Halimbawa; Gusto mong mag-trabaho sa ibang bansa. Sa kakaisip mo sa gusto mo, darating ang panahon na ikaw mismo ang gagawa ng paraan para makapag-abroad. Ito ay dahil sa iyong kagustuhan. Pero kung lagi kang mag-aalangan na baka maloko ka lang sa abroad, 'yan ang darating sayo.

What You Feel, You Attract
     Kung ano ang madalas mong pakiramdam, yun ang lalapit sayo.
Halimbawa; Lagi kang nagmamadali sa umaga sa pagpasok sa trabaho para hindi ka ma-late, dahil ayaw mong mapagalitan ka ng boss mo. At dahil yan ang pakiramdam mo araw-araw na may takot ka sa boss mo, yan ang darating sayo. Mapapadalas kang male-late sa trabaho at madalas ka rin mapapagalitan ng boss mo.

What You Imagine, You Become
     Kung ano ang iyong madalas na ini-imagine, yun ay mapapasayo. Kapag nangarap ka na magka-kotse at lagi mo itong ini-imagine na ikaw ay nakasakay na sa kotse mo at nagmamaneho, hindi magtatagal na ang kotseng pangarap mo ay mapapasayo.


Parang imposible di ba? Parang hindi naman totoo ito?

     Well, ang Law Of Attraction ay masunurin. Kung positive ang nais mo, yun ang ibibigay nya sayo. Kung negative ang laman ng isip mo, yan ang lalapit sayo.



"Kaya Kung Ano Ka Ngayon,
Ay Dahil Sa Kung Ano Ang 
Ginawa Mo Noon"



- Mang Omboy - 


PS:
Kung gusto mong malaman kung ano yung "The Secret" - Law Of Attraction,
Panoorin mo dito: The Secret

Sunday, 15 March 2015

MO-002


Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


     Karamihan kasi sa atin, hanggang pangarap na lang. Ang dami nilang dahilan kung bakit hindi nila matupad ito.

May mga nagsasabing...

  • mahirap itong abutin
  • napakataas ng pangarap na hindi kayang tuparin
  • para sa may pera lang ang mga mataas na pangarap
  • para sa mga edukado lang ito
  • walang karapatan ang mahihirap na mangarap
  • atbp



Kaya ang tanong ko sayo:

- May pangarap ka ba talaga sa buhay?
- Para saan at para kanino ba ang mga ito?
- Ano-ano na ang mga bagay na ginawa mo para matupad mo ito?


     Dahil kung wala ka man lang ginawang paraan at 'di mo man lang ito sinimulang abutin, puwes... 
may mga taong gagawa ng paraan para mabigyan ka ng trabaho at para matupad ang Pangarap nila.


     Oo, pangarap nila, hindi ang sa iyo ang matutupad. Mananatili ka sa kalagayan mo na nagta-trabaho araw-araw pero lagi rin naman kinakapos.


Kaya ano ang dapat mong gawin?

     Kung kasalukuyan kang namamasukan o isang empleyado, gawin mo itong puhunan or stepping stone para magkaroon ng puhunan. Puhunan na pera at puhunan na talino. Mag-aral at matuto kahit na ikaw ay isang empleyado.

     Ng sa gayon ay unti-unti mong magagawa ang mga bagay tungo sa pagkamit ng iyong pangarap.

     Kung ikaw naman ay walang trabaho o negosyo, aba e di maghanap ka ng trabaho o pagkakakitaan na legal. 


Sabi ko nga...


"Para Saan Ang Pangarap Mo Kung
Mananatili Lamang Itong Isang Pangarap"


- Mang Omboy - 





MO-001

Mga_Sabi_Sabi_Ni_Mang_Omboy_Motivational_Quotes_Success


     Hindi masama ang mangarap, dahil ito ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon para mapagbuti ang ating buhay. Marami sa atin ang nagsisikap upang sa gayon ay matupad ang mga ito.

     Likas din naman kasing matulungin ang mga Pinoy. Hanggat kaya tumulong sa mga kamag-anak o kaibigan, hindi tayo nagdadalawang isip na sila ay bigyan.

     Pero sa isang banda, marami din sa ating mga kababayan ang nananatiling nangangarap lang, o kadalasan ay wala man lang pangarap. Kaya ito ang nagiging sanhi na umasa na lamang sa kapamilya, kamag-anak o maging sa kaibigan para sila ay mabigyan ng ikabubuhay at matupad ang pansariling pangarap.

- Mang Omboy -